What's on TV

READ: Is Wally Bayola still bothered by the rival program of 'Hay, Bahay!'?

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 7, 2017 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



“Hinding-hindi... kumbaga kung ano mabibigay mong best sa trabaho mo ‘yun na lang." - Wally Bayola

Isa marahil sa maituturing na pinaka-busy at in-demand na comedian ng bansa ang Dabarkad na si Wally Bayola.

Bukod sa regular siyang napapanood sa Eat Bulaga, kabilang din ang magaling na komedyante sa Sunday PinaSaya at Hay, Bahay!.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Wally sa shooting nila ng Sunday night sitcom niya sa Sucat, Parañaque kahapon, April 6, ni-reveal nito ang naging advice sa kaniya ni Joey de Leon para manatili ang motivation niya kahit hectic at nakakapagod ang schedule niya.

Ani Wally, “Hanggang ngayon kasi iniisip ko rin ‘yung binigay sa akin advice ni Tito Joey na kung gusto mong hindi ka makaramdam ng pagod at inis, kung papaano ‘yung pakiramdam mo kapag nai-in love ka sa tao, ‘yung first love mo ‘yung mga nai-in love ka, ganun ang gawin mong pakiramdam sa trabaho mo. 'Yung sobrang mahal mo kasi kahit puyat-puyat ka na hindi mo mararamdaman 'yun eh,”

Nanatili din ang pamamayagpag ng Hay, Bahay! tuwing Linggo ng gabi at ilang buwan na nga lang ay ipagdiriwang na ng sitcom ang first anniversary nito.

Tinanong namin si Wally kung iniisip pa rin ba niya ang kakumpitensya ng kanilang high-rating comedy show?

Pag-amin nito, “Hinding-hindi, kasi 'pag nag-iisip ka nang ganyan, malalaman mo pa halimbawa kung mababa kayo sa ratings. Parang ako hindi, kumbaga kung ano mabibigay mong best sa trabaho mo ‘yun na lang. Kasi ang panahon naman talaga umiikot kumbaga minsan okay, minsan hindi. Depende sa mood din ng mga followers, ng mga manonood din.”

Photo by: wallyloufanzclub (IG)

MORE ON 'HAY,BAHAY!':

READ: Why did Kristine Hermosa choose to do 'Hay, Bahay!' over return to ABS-CBN

LOOK: 8 heart-melting photos of Kristine Hermosa and Oyo Sotto's Baby Vin  

WATCH: Aiai Delas Alas shows her appreciation to Mother Lily Monteverde by giving her a cheque and an ampaw