What's on TV

Yasmien Kurdi, Jackie Rice at Mike Tan, happy to be working with former 'StarStruck' mentor Gina Alajar

By Michelle Caligan
Published February 13, 2018 5:13 PM PHT
Updated February 20, 2018 10:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DOF chief Go: BPO, electronics, renewable energy key to boosting PH jobs
Celebrating Filipino Food Month with flavors from across the archipelago
Fans ng Huwag Kang Titingin' stars, todo ang suporta sa sunod-sunod na block screenings nationwide

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang saloobin ng 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka' stars na sina Yasmien Kurdi, Mike Tan at Jackie Rice na makakasama nilang muli sa isang project ang direktor na si Gina Alajar.
 

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on

 

Produkto ng reality-based artista search na StarStruck ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka stars na sina Yasmien Kurdi, Jackie Rice at Mike Tan. Si Yasmien ang napiling First Princess sa Season 1 habang Ultimate Female Survivor naman ng Season 3 si Jackie. Si Mike ay nanalong Season 2 Ultimate Male Survivor.

 

READ: GMA Network unveils first advoca-serye via 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka'

Isa sa mga makakasama nila sa teleseryeng ito ay ang batikang aktres at TV director na si Gina Alajar, na naging mentor nila dati sa StarStruck.

Sa naganap na press conference para sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, tinanong ng entertainment press kung kumusta katrabaho si Direk Gina.

"Sobrang saya. Naka-work ko siya at sobrang pasaway ko pa noon, nahihiya na ako ngayon. Kaya mas dinodoblehan ko ang galing," natatawang sagot ni Jackie.

Ani Mike, "Masaya ako, at the same time, nakaka-challenge kasi 'yun 'yung mga taong nagturo sa 'yo. Siyempre gusto mong ipakita sa kanila na nag-improve ka na, na ito na 'yung narating mo after nun."

Si Yasmien naman, na-miss daw niya itong maging co-star.

"Si Direk Gina nakasama ko sa Pasan Ko Ang Daigdig, tapos may mga dinirek siya sa akin na series like Yagit. Na-miss ko siya as a co-actor, kasi dati mommy ko siya doon sa palabas, binubuhat-buhay ko siya. Ngayon inaaway-away naman niya ako. Magkaiba, pero na-miss ko talaga si Direk."

Abangan ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka ngayong February 26 na sa GMA Afternoon Prime.