GMA Logo Dingdong Dantes and Marian Rivera in One True Love
What's on TV

'One True Love' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published March 17, 2023 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Marian Rivera in One True Love


Kabilang ang 'One True Love,' starring Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

May treat ang digital channel na I Heart Movies para sa mga fans ng Kapuso Primetime Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Mapapanood kasi ngayong linggo ang isa sa mga pinagtambalan nilang pelikula na One True Love.

Gaganap dito si Dingdong bilang Migs, habang si Marian naman ang kanyang asawang si Joy.

Sa kasamaang palad, maaaksidente si Migs at magkakaroon ng amnesia. Hindi niya maaala si Joy at ang huling alaala niya ay ang ex-girlfriend na si Bela, played by Iza Calzado.

Magpaparaya ba si Joy dala ng pagmamahal niya kay Migs?

Abangan ang One True Love, March 22, 10:20 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Makapigil-hininga naman ang excitement sa Dyamper na pinagbibidahan nina Alchris Galura, Carlo Aquino, at Timothy Mabalot.

Tungkol ito sa isang grupo ng magkakaibigan na tumatalon sa mga truck ng bigas para magnakaw ng mga maaari nilang maibenta.

Malalagay sila sa mas matinding peligro nang aksidenteng makakuha ang isa sa kanila ng pakete ng droga.

Huwag palampasin ang Dyamper, March 22, 10:20 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.