Ilang yummy recipes ang hatid ni Chef Boy Logro at Bettinna Carlos sa kanilang funny guests na sina Nar Cabico at Tammy Brown.
Ang bumida sa Idol sa Kusina nitong nakaraang Linggo, February 19, ay ang mga dishes na puwedeng ihanda ng one to three ways.
Una nilang pinagtulungang lutuin ay ang Basic Lugaw with three toppings. Siguradong mabubusog kayo sa sarap at dami ng sahog ng recipe na ito.
Tila pangfiesta naman ang next recipe ni Chef Boy na tinatawag niyang Lechon three ways. Ang traditional lechon ay gagawan niya ng kakaibang twist sa pamamagitan ng paggawa ng Kare Kare, Paksiw at Sinigang.
Para sa mga Pinoy na mahilig sa salted egg, narito ang recipe ni Chef Boy para sa Singaporean Salted Egg Crabs at Salted Egg Fried Rice.
Sweet and fruity concoction naman ang ibinida ni Bettinna Carlos. Ito ay ang Shaved Milk-Ice with Fruit Toppings na puwedeng ihanda sa nalalapit na summer season.
???????Subaybayan ang iba pang recipes nina Chef Boy at Bettinna every Sunday, 7:15 pm sa GMA News TV.
MORE ON 'IDOL SA KUSINA':
WATCH: Sanya Lopez at Rocco Nacino, binigyan ng Valentine's Day date nina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos sa 'Idol sa Kusina'
WATCH: 'Idol sa Kusina's' yummy gata dishes with Chef Boy Logro, Bettinna Carlos, and Migo Adecer