What's on TV

Ano ang mga namana ni Baby Zia mula sa mga magulang na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes?

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 11, 2017 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



May mga bagong kuwentong ibinahagi si Marian Rivera sa kanyang pagbisita kina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos sa Idol sa Kusina patungkol sa anak na si Zia.

May mga bagong kuwentong ibinahagi si Marian Rivera sa kanyang pagbisita kina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos sa Idol sa Kusina. Ito ay nag-focus sa kanilang unica hija ni Dingdong Dantes na si Zia.

Saad ng Kapuso Primetime Queen, kapansin-pansin na ngayon kung kanino nagmana si Zia.

"Well nakikita ko 'yung personality niya, parang ako, makulit pero malambing. Pilya, mana nga sa akin lahat." 

Love you both ?? #aroundZWorld ????????

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Pero may isang bagay na ginagawa si Zia na sigurado si Marian na namana mula sa kanyang ama na si Dingdong. Aniya, "Mahilig siyang magbasa, 'yun ang hindi niya nakuha sa akin, kay Dong 'yun."

Enjoy man si Marian na laging kasama si Zia, napapansin rin niya ang bilis nang paglaki ng kanyang anak.

"Ang bilis! Parang iniisip ko kailan lang parang nandito lang siya (sa braso), ngayon tumatakbo na hinahabol ko na. Hinihingal na 'ko sa kanya," natatawang kuwento ni Marian.

Buo rin ang kanilang desisyon ni Dingdong na sundan agad si Zia. Pahayag ni Marian, "Oo naman. Totoo, pangarap ko pa naman apat o limang anak so kailangan masundan na talaga si Zia."

MORE ON MARIAN RIVERA:

A look into Marian Rivera's Flora Vida

WATCH: Behind the scenes of Marian Rivera's magazine photo shoot