
Muling bumisita ang Kapuso Primetime Queen kina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos. Sa kanyang pagbisita nitong Linggo, April 9, sa Idol sa Kusina, tumulong si Marian Rivera sa paghahanda ng yummy dishes at naghanda rin ng sarili niyang dish.
Para sa panghimagas, may kakaibang dish ang Idol sa Kusina. Ito ay ang yummy and healthy na Radish Cake.
Ilan pa sa kanilang inihanda sa Easy Asian Dishes Sunday ay ang Hoisin Glazed Bangus na handa mismo ni Marian.
Seafood delight ang sunod nilang inihanda. Ito ay ang Sizzling Shrimps with Crab Rice. Kasama rin dito ang kulitan time with Marian at ang cleaning technique ni Chef Boy sa hipon.
Sa dessert department naghanda sila ng Almond-Lychee Panna Cotta.
Catch more yummy dishes with Chef Boy and Bettinna sa susunod na Linggo sa Idol sa Kusina.
MORE ON 'IDOL SA KUSINA':
WATCH: Dishes na patok sa biglaang party, inihanda nina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos
WATCH: Dennis Trillo, bumida sa paghahanda ng pangbarkada dishes sa 'Idol sa Kusina'