
"Guess who is coming to the @idolsakusina kitchen!" Ito ang naging pahayag ng Kapuso actress na magiging sous chef ng Idol sa Kusina na si Chynna Ortaleza.
Si Chynna ay hindi lamang tatayong co-host ng show dahil siya ay ituturing rin na isang culinary student ng programa simula ngayong July 23.
Kuwento ni Chynna, "May confession ako. Hindi ako marunong magluto. Ang kusina ko ay lahat ng take out counters sa Pilipinas! Pero may divine intervention na nangyari! Wheeee!"
Masaya at excited si Chynna na siya ay matututo ng cooking techniques sa isang expert at sikat na celebrity chef na si Chef Boy Logro. Aniya, "Tingnan mo naman kung sino ang magiging teacher ko! The one and only @chefboylogro7 I'm excited to learn the art of cooking with him. Pero ang mas excited ata ay ang pamilya ko! Nothing beats lutong bahay as they say." magiging teacher ko! The one and only @chefboylogro7 I'm excited to learn the art of cooking with him. Pero ang mas excited ata ay ang pamilya ko! Nothing beats lutong bahay as they say."
Inanyayahan rin ni Chynna ang mga Kapuso fans at mga new moms na tulad niya na manood ng Idol sa Kusina at sabayan siyang matutong magluto.
"Sa lahat ng bago at mga classic na ilaw ng tahanan samahan niyo ako sa bago kong journey. Let's learn & eat together! See you on Sunday! #IdolSaKusina #MisisClassics #PingPingPing"