What's on TV

WATCH: Ryza Cenon, nanawagan sa bashers ng kanyang karakter sa 'Ika-6 Na Utos'

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma speeds up, moves over Calbayog City
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



Inuulan ng hate messages si Ryza Cenon! Ano ang kanyang reaksiyon dito?

Samot-saring pagbabanta ang natatanggap ni Kapuso actress Ryza Cenon dahil sa pagganap niya bilang Georgia sa GMA Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos

Mang-aagaw ng asawa at doble karang kaibigan kasi ang kanyang karakter na si Georgia kaya gigil na gigil dito ang mga netizens at iba pang fans ng serye.

May panawagan naman si Ryza sa mga nagpapadala sa kanya ng mga hate messages para kay Georgia sa kanyang mga social media accounts.

"Huwag po kayong maapektuhan ng bongga bongga! Hindi ko po siya ginagawa sa totoong buhay. Character lang po siya. Pero masaya po ako at nagpapasalamat ako na nakatutok talaga kayo at ramdam na ramdam niyo po bawat eksena namin," aniya.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras dito:

Video courtesy of GMA News

MORE ON RYZA CENON:

Ryza Cenon, nakatanggap ng hate message mula sa isang netiizen

SPOTTED: Ryza Cenon in Baler with rumored boyfriend Pocholo Barretto