What's on TV

WATCH: Rafael Rosell, maraming nasakripisyo dahil sa extended ang hit Kapuso soap na 'Impostora'

By Aedrianne Acar
Published September 13, 2017 11:45 AM PHT
Updated September 13, 2017 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



May isang hobby na hindi magawa si Rafael Rosell ngayon dahil busy siya sa 'Impostora.'

Extended mga Kapuso ang kinahuhumalingan ninyong Afternoon Prime soap na Impostora. Kaya sobra ang saya na nararamdaman ng buong cast at crew sa mataas na ratings ng kanilang show.

Pero tila may kapalit para kay Rafael Rosell ang tagumpay ng Impostora dahil hindi muna niya magagawa ang favorite hobby niya na surfing dahil sa jam-packed na schedule.

Kuwento niya sa 24 Oras, “I terribly miss surfing sobra! I miss the beach, I miss stepping my feet into the sand, pero work muna talaga.”

Maiiba rin ang Christmas plans ni Rafael at kaniyang pamilya this year dahil hindi muna sila matutuloy sa kanilang bakasyon sa Europe. Pero hindi naman daw ito problema basta kasama ng Kapuso leading man ang kaniyang mga mahal sa buhay.

Aniya, “'Yung family ko sobrang understanding sila kung may trabaho ako. Kaya naman namin i-celebrate ang Christmas sa ibang date kahit hindi Christmas mismo, basta magkasama lang ‘yung buong pamilya.”

Mas lalo ring magiging kapana-panabik ang mga eksena ng mga main characters sa Impostora. Ano-ano nga ba ang dapat abangan mula kina Homer, Nimfa at Rosette sa hit Kapuso afternoon soap?

Ani Rafael, “Pipiliin ba niya ‘yung dati niyang kasintahan na kailangan niya pagtiyagaan or pipiliin niya ‘yung bagong nanay para sa mga bata na which is better dahil mas maganda ‘yung trato niya or pipillin niya bang mag-isa na lang.”


Video courtesy of GMA News