What's on TV

Netizens naawa nang makita ang hirap ni Kris Bernal sa pagsusuot ng prosthetics

By Aedrianne Acar
Published December 24, 2017 10:00 AM PHT
Updated December 24, 2017 8:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Sa taping ng 'Impostora,' kinailangan ni Kris Bernal na maglagay ng tatlong iba't ibang klase ng prosthetic makeup.

Ipinasilip ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang hirap na kaniyang pinagdadaanan sa high-rating afternoon soap niya na Impostora.

Sa isang video na ipinost niya sa Instagram, makikita rito na tinitiis ni Kris ang sakit ng pagtatanggal ng prosthetic makeup sa kaniyang mukha.

Saad niya, “For today’s taping: Three different kinds of prosthetics. Pabalik-balik ang pag-apply at pagtanggal. Hindi lang yan, may glam look pa ko. Whew! Sa #Impostora ko lang na-experience ‘to! Saludo na talaga ako sa mga artistang nakagawa ng 2 or more characters in a show! #DualCharacter”

 

For today’s taping: Three different kinds of prosthetics. ???? Pabalik-balik ang pag-apply at pagtanggal. Hindi lang yan, may glam look pa ko. Whew! Sa #Impostora ko lang na-experience ‘to! ???????????? Saludo na talaga ako sa mga artistang nakagawa ng 2 or more characters in a show! #DualCharacter ?? (More on my IG stories)

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal) on


Hindi naiwasan ng ilang netizens na maawa sa sitwasyon na ito ni Kris.

 

Marami naman ang humanga sa dedikasyon at professionalism ng StarStruck alumna para maibigay ang best niya sa pagganap ng dalawang karakter sa Impostora.