What's on TV

'Inagaw Na Bituin' stars from the '90s, anong klase ng artista ang ayaw makatrabaho?

By Cherry Sun
Published February 8, 2019 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin sa mga seasoned stars from the '90s na sina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, Marvin Agustin at Gabby Eigenmann kung anong klase ng artista ang ayaw nilang katrabaho. Read more:

Seasoned stars from the '90s tulad nina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, Marvin Agustin at Gabby Eigenmann ang makaka-eksena nina Kyline Alcantara at Therese Malvar sa Inagaw Na Bituin. Sa kanilang pagbahagi ng mga natutunan nila noong '90s, naikuwento rin nila kung anong klase ng artista ang ayaw nilang makatrabaho.

Marvin Angelu at Gabby
Marvin Angelu at Gabby

EXCLUSIVE: Veteran stars ng Inagaw Na Bituin, excited makatrabaho sina Kyline Alcantara at Therese Malvar

Paniguradong ibang intensity pagdating sa pag-arte ang mapapanood sa Inagaw Na Bituin dahil maituturing na royalties noong kanilang kapanahunan sina Sunshine, Angelika, Angelu, Marvin at Gabby. Kaya naman, hindi naiwasang tanungin ng entertainment reporters noong media conference ng upcoming Kapuso musical-drama series kung ano ang pakiramdam na sanib-puwersa sila ngayon.

READ: Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, patunay sa powerhouse cast ng Inagaw Na Bituin

Sambit nina Marvin at Gabby, maipapamalas daw nila kung paano ang commitment nila sa trabaho nila noon.

“Marami kaming natututunan. Marami kaming natutunan noong panahon na 'yun and I think the best years are the '90s,” sambit ni Gabby.

“Masarap 'yung trabaho kasi bukod sa masaya kasi alam na nating enjoy 'yung trabaho namin, pero 'yung discipline ng dedication at ng professionalism, ramdam mo sa bawat artista,” dugtong naman ni Marvin.

Overwhelmed daw si Sunshine sa powerhouse cast na makakasama niya at excited na siya sa kanilang mga eksena.

Aniya, “Kasi alam ko na they're very dedicated and they will give their all. Hindi 'yung may katrabaho kang tamad sa eksena, 'di ba. Nakaka-frustrate 'yun eh pag tamad 'yung ka-eksena mo. Parang uuwi ka na. 'Teka lang, parang may kulang.' Lalo na 'yung mga '90s people, perfectionist 'yan. Hindi kami maka-let go 'pag kulang o bitin so exciting ito.”

Sang-ayon din sa kanya si Angelu na mas motivated na galingan pa ngayong hindi basta-basta ang mga katrabaho niya.

Wika niya, “Masaya siya kasi nga parang lahat ng creative juices na natutunan namin noong '90s… 'til now at saka early 2000's mailalabas na namin, alam mo 'yun. Kasi nga, tama nga si Sunshine eh, minsan meron kang katrabahong tamad pero eto, alam mong hindi lang 'yung character mo 'yung binabantayan mo, binabantayan mo 'yung buong istorya para gumanda kasi alam mong 'yung mga katrabaho mo hindi rin magpapalamang, hindi rin magpapatalo.

“Alam mong they're doing their job, their characters in a way na ikaw hindi ka pwedeng papetiks-petiks lang na 'Okay na 'to kasi baguhan mga kasama ko eh.' Hindi, you up your game kasi you're challenged by the co-actors eh, you're challenged in a good way. It's not competitive but it's in a good way na we know for sure na we will collaborate nicely just for the sake of Inagaw Na Bituin,” patuloy niya.

Mapapanoond na ang kauna-unahang kantaserye sa GMA Afternoon Prime, ang Inagaw Na Bituin simula ngayong Lunes, February 11.