
"I asked for him to apologize to me two years ago. Enrico, do you remember?"
Ito ang kuwento ni Geneva Cruz sa Just In nang mapag-usapan ang estado ng relasyon nila ngayon ng ex-husband niyang si Paco Arespacochaga.
Ayon kay Geneva, napansin niya umanong nakaapekto ang breakup nila ni Paco sa kanyang second relationship.
"Paco was my first everything, okay? Feeling ko, because of what happened between him and I, parang naapektuhan 'yung second relationship ko.
"Kasi siyempre, it ended with that one relationship na major that gave me a son also, 'di ba?"
Kaugnay nito, inamin ni Geneva na kinausap niya si Paco at hiniling na mag-sorry sa kanya.
Agad namang humingi ng tawad si Paco sa kanyang ex-wife.
"I just had to ask him, na kung puwede mag-sorry siya, and it would really make a difference to me.
"Para sa sarili ko din, e. Para rin maayos yung relationship ko ngayon and kung ano yung relationship ko sa sarili ko. "
Ayon pa kay Geneva, kahit matagal bago niya nakuha ang apology ni Paco, ang importante ay naibigay ito sa kanya para makapag-heal na siya nang tuluyan.
"I really think that nobody can heal you but yourself. Of course, God can do that.
"I'm just happy that Paco is willing to help 'di ba? And to change what he did it's never really too late."
Geneva Cruz pens heartwarming message for son Heaven Arespacochaga
Geneva Cruz empowers morena-skinned Filipinos: 'Walang kasing ganda ang kulay ninyo'