
Maraming masugid na tagasubaybay ang primetime series na Kambal, Karibal at isa na riyan ang Kapuso Comedy Queen na si Aiai Delas Alas. Sa isang Instagram post, nag-upload si Aiai ng photo ni Miguel na kuha mula sa eksena ng naturang show.
Aniya, "Napanood ko sya kanina, napakahusay umarte ng batang ito."
Nagpasalamat si Miguel sa papuri ng showbiz veteran.
Sang-ayon naman ang mga followers ni Aiai at nag-iwan rin sila ng mga positibong mensahe para kay Miguel.
Muling balikan ang madamdaming eksena ni Miguel sa Kambal, Karibal below: