
Sa loob ng mahigit 20 na taon, kabisado na ni Marvin Agustin ang kalakaran sa showbiz industry.
Isa siya sa mga in-demand actors noong '90s dahil sa kanyang kakaibang charm at galing sa pag-arte. Pero, hindi siya nakuntento sa pagiging artista lang at naghanap pa ng ibang pagkakakitaan. Sa ngayon, isa na ring siyang successful entreprenuer na nagmamay-ari ng hindi bababa sa 50 na restaurants.
Marami nga ang humahanga sa kanyang pagiging maabilidad at, ayon sa kanyang mga katrabaho, very generous at humble din daw si Marvin. Maski nga sa kanyang mga nalalaman ay malugod niyang ibinabahagi sa kanyang mga kapwa-artista tulad na lamang ng mga teen actors na kanyang nakatrabaho sa Kambal, Karibal.
Sa kanyang Instagram post, nagbahagi siya ng ilang tips para kina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza, Jeric Gonzales, Chesca Salcedo at Dave Bornea para mapangalagaan ang kanilang career.
Payo niya, "To the kids I worked with [in Kambal, Karibal], Pauline, Miguel, Bianx, Kyline, Dave, Chesca, Jeric, enjoy everything about our showbiz industry but don't take things too seriously.
"Pagbutihan n'yo pa ang trabaho n'yo pero 'wag gawing ito lang ang mundo mo at paikutin ang buhay mo sa showbiz. This profession can be forever kung tama ang pag-aalaga mo sa career mo.
"Mahalin at pahalagahan lahat ng mga katrabaho mula staff, crew at mga kasamang artista. Maliit ang mundo natin kaya pasayahin at respetuhin lagi."