What's on TV

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, naramdaman ang galit at takot ng mga inabuso matapos ang 'Legally Blind' rape scene

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2017 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider shot dead in Taguig ambush; 2 friends nabbed
5 cops relieved over robbery probe in Porac
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



"Naisip ko lang din 'yung mga babae na talagang nakaranas ng ganoong pang-aabuso. Hindi ko ma-imagine 'yung talagang takot at galit na naramdaman nila." - Janine Gutierrez

 

 

"Naisip ko lang din 'yung mga babae na talagang nakaranas ng ganoong pang-aabuso. Hindi ko ma-imagine 'yung talagang takot at galit na naramdaman nila," bungad ni Janine Gutierrez matapos kumustahin ang kanyang experience sa rape scene ng gripping drama series na Legally Blind.

Isang sensitibong topic ang rape kaya naman pinag-aralan ito nang mabuti ng Legally Blind team bago gawin. Ayon nga kay Janine na gumaganap sa karakter ni Grace na biktima ng panggagahasa, hindi niya raw maiwasang maisip ang kalagayan ng mga taong may kapalaran na tulad ng kay Grace.

Paliwanag niya, sa taping lang daw niya narasanan ang maging isang rape victim ngunit naramdaman na niya ang takot. Kaya naman masakit sa kanya na isiping mayroong mga babae na nakaranas nito sa totoong buhay.

Sana raw ay malaki raw ang maitutulong ng Legally Blind sa mga taong naabuso tulad ni Grace. Aniya, "Sana sa pagbangon ni Grace, magsilbi siyang inspirasyon sa mga taong nakaranas ng kahit ano mang trahedya sa buhay."

Subaybayan kung paano muling makakabangon sa Grace sa kanyang madilim na sinapit sa Legally Blind, weekdays pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.

MORE ON 'LEGALLY BLIND':

LOOK: Close-up photo ni Grace ng 'Legally Blind' matapos ang malagim na insidente

IN PHOTOS: On the set of 'Legally Blind'

WATCH: 'Legally Blind' full episode two aired on February 21