
Buena mano para sa taong 2018 ang pagganap nina Jak Roberto at Barbie Forteza sa Magpakailanman.
Ngayong Sabado, January 6, mapapanood ang kuwento ng tunay na pag-ibig sa ‘Tinimbang Ngunit Sobra: The Melinda Mara Story.’
Makakasama rin nila sina Robert Ortega, Sherilyn Reyes, Lucho Ayala, Stephanie Sol, Eunice Lagusad at marami pang iba. Ito ay sa direksyon ni Rechie Del Carmen.
Abangan ang JakBie ngayong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto.