
Marami na ang nag-aabang sa kakaibang kuwento na tiyak magpapaluha sa inyo sa patok na weekly-drama anthology na Magpakailanman.
Magpakailanman presents "Fathers and Lovers"
Bibida ngayon sa darating na Sabado ang Bubble Gang star na si Paolo Contis at Kapuso heartthrob na si Kristoffer Martin sa episode na 'Fathers and Lovers.'
Sa Instagram post ni Kristoffer patungkol sa guesting niya, sinabi nito na kakaibang Paolo ang mapapanood n'yo this weekend. Ang drama episode na ito ay dinirehe ng award-winning director na si Adolf Alix Jr.
“Eto naaaaa. Panuorin po natin ngayong darating na Sabado sa Magpakailanman: “Fathers and Lover”, kwento ng pagmamahalan at pagbibigay importansya sa pamilya. Iba ka dito @paolo_contis ! Hahaha. Solid ka brader! Directed by: @aalixjr”
Ito ang unang pasilip sa kuwento nina Peter at Rocky sa Magpakailanman this January 19!