What's on TV

Magpakailanman presents "Viral Macho Dancer (The Dante Gulapa Story)"

Published March 18, 2019 6:11 PM PHT
Updated March 18, 2019 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

For those entering the New Year tired – but still hopeful
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Sabado, March 23, inihahandog ng Magpakailanman ang pinaka-aabangang espesyal na kuwento ni Dante Gulapa na tiyak na kagigiliwan at kapupulutan nang maraming aral ng manonood.

Nagkaroon nang maraming fans si Dante Gulapa sa buong mundo mula nang maging viral ang nakakatuwang macho dancing videos niya. Tinawag na Gulapanatics ang mga taong sumusuporta sa kanya. Isa siyang certified online sensation na nagbibigay kasiyahan sa maraming tao.

Pero ano nga ba ang masalimoot na pinagdaanan ni Dante bago makamit ang kasikatan niya? Ngayong Sabado, March 23, inihahandog ng Magpakailanman ang pinaka-a-abangang espesyal na kuwento ni Dante Gulapa na tiyak na kagigiliwan at kapupulutan nang maraming aral na pinamagatang VIRAL MACHO DANCER: THE DANTE GULAPA STORY.

Sa pangunguna ng Kapuso stars na si Jak Roberto bilang binatilyong Dante, John Kenneth Giducos bilang batang Dante, Rich Asuncion at Maureen Larrazabal bilang Emeline, Vangie Labalan bilang Lola Delia, Analyn Barro bilang Edna, Kevin Sagra bilang Michell, Orlando Sol bilang Bong at ipinakikilala si Dante Gulapa sa pagganap ng kanyang sariling buhay.

Sa ilalim ng direksyon ni Conrado Peru, mula sa panulat ni John Roque, at matinding pananaliksik ni Cynthia delos Santos.