What's on TV

Shaira Diaz at EA Guzman, unang beses magtatambal sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published January 31, 2020 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
6 men to face alarm and scandal complaint after roadside scuffle
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman and Shaira Diaz talk about MPK


Gaganap sina Shaira Diaz at EA Guzman bilang magkapatid sa upcoming episode ng '#MPK.'

Unang beses magtatambas sa isang proyekto ang real life sweethearts na sina Shaira Diaz at EA Guzman sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Shaira Diaz at EA Guzman
Shaira Diaz at EA Guzman

Gaganap sila bilang magkapatid na Jerome at Jasmine. Pero sa pagbibinata ni Jerome, bilang magkakaroon siya ng pagtingin kay Jasmine.

Ayon kina EA at Shaira, dapat daw abangan ang magiging "twist" ng kuwento.

"Isa rin sa mga dapat nilang abangan sa #MPK episode namin 'yung mga twist na mangyayari. Sa part naman ni Jerome, pinaglaban talaga niya 'yung pagmamahal niya doon sa kapatid niyang si Jasmine. Doon iikot 'yung story. Siyempre maaapektuhan 'yung mga magulang namin," paliwanag ni EA.

Sagot naman ni Shaira, "Napaka ganda ng kuwento niya. Dapat nilang abangan kung ano 'yung tanggap ko nung sinabi niya sa akin na mahal niya ako.

"Kasi ako, tingin ko talaga sa kanya, kuya. Then all of a sudden biglang manliligaw siya, biglang mahal. Sobrang confusing siya sa side ko ang lalong lalo na parents namin."

Panoorin ang kanilang buong interview mula sa Sikat sa Barangay.


Tunghayan ang "Dapat Ba Kitang Mahalin?" sa #MPK, February 1, pagkatapos ng Daddy's Gurl.



Magpakailanman presents "Dapat Ba Kitang Mahalin?"

IN PHOTOS: Shaira Diaz at EA Guzman bilang magkapatid sa '#MPK'