GMA Logo Hipon Girl Herlene Budol
What's on TV

Talambuhay ni 'Hipon Girl' Herlene Budol, tampok sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published October 20, 2021 3:10 PM PHT
Updated March 22, 2023 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Hipon Girl Herlene Budol


Si "Hipon Girl" Herlene Budol mismo ang gaganap sa kanyang sariling talambuhay sa upcoming fresh at brand new episode ng '#MPK.'

Talambuhay ng isang beloved Kapuso star ang tampok sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Ibinahagi ng komedyante at viral sensation na kilala bilang "Hipon Girl" o Herlene Nicole Budol ang kanyang buhay sa #MPK.

A Girl Named Hipon on MPK

"What's up, mga ka-Hiponatics, mga ka-squammy ko diyan! Iimbitahan ko lang po kayong manood ng '#MPK' sa October 23, sa Sabado na po 'yan, dahil ang story ko po ang ipalalabas, Herlene Nicole Budol, a.k.a. 'Hipon Girl,'" pahayag niya sa isang eksklusibong video.

Tampok sa episode ang pagsisimula ni Herlene sa mga beauty contests, hanggang sa ma-discover siya sa programang Wowowin.

Makikita rin dito ang mga pinagdaanan niya ngayong pandemic.

Mas naging espesyal pa ang episode dahil si Herlene mismo ang gaganap bilang kanyang sarili.

"Siyempre po, ako din po ang gaganap kasi sayang naman, alam n'yo na! Sabay sabay po nating panoorin dahil sisiguraduhin ko po sa inyong may mapupulot po kayong aral at leksiyon sa aking buhay," paghihikayat niya.

"Ulitin ko lang po, sa October 23, sa Sabado na po 'yan, ang '#MPK.' Salamat in advance po," dagdag pa ni Herlene.

Mapapanood ang kanyang life story sa fresh at brand new episode ng pinamagatang "A Girl Named Hipon: The Herlene Budol Story" ngayong Sabado, October 23, 8:15 pm sa #MPK.