Naalala pa ni Kapuso star Camille Prats ang mga pangyayari nang siya ay matalo sa 'Little Miss Philippines' ng Eat Bulaga.
Buong akala ng dating child star ay nanalo siya sa contest, “Ang Tatay ko nagpa-lechon. Sa edad na 4, akala ko nanalo talaga ako kasi [may] party [sa] buong Lubiran Street ng Bacood, Sta. Mesa tapos may trophy ako [na] Best in Gown so feeling ko winner talaga ako.”
Noong lumaki na ang aktres, doon niya naisip na hindi pala talaga siya ang nanalo sa patimpalak. May natutunan pa ang dating young actress, “That’s when I also learned na parang in defeat, there’s always a reason to celebrate kasi nga nakaabot daw ako ng grand finals.”
WATCH: Little Miss Philippines: Then and Now
Ang mga bagay-bagay raw ay nangyayari dahil ito ay may mga dahilan, “Kung hindi para sa ‘yo kahit anong gawin mo, hindi talaga pero ‘pag para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga. There’s always a reason behind it kaya dapat huwag mo siyang dibdibin kasi nga nangyari siya for a reason.”
Dagdag pa ng kanyang Mars co-host na si Suzi Abrera, “Try ka lang nang try. You’ll never know. You’ll never get there if you never give it another chance.”
MORE ON CAMILLE PRATS:
WATCH: Camille Prats, ikinuwento kung paano siya nagsimula sa showbiz
LOOK: Camille Prats, nakasungkit ng bituin sa Walk of Fame pagkatapos ng 23 years sa showbiz
READ: Camille Prats’ second shot in showbiz