Si Kapuso star Kris Bernal ang napiling gumanap sa 2017 remake ng Impostora. Dalawang papel ang gagampanan ng aktres, ang role ni Nimfa at ni Rosette.
READ: Lilybeth G. Rasonable on Kris Bernal: “Feeling namin kaya niya ang ‘Impostora’
Sa pagbisita ng StarStruck alumna sa Mars, ikinuwento niya ang kanyang karanasan sa pagpo-portray ng dual roles.
“Okay naman, Mars, [pero] parang malapit na ako ma-coma. Nakakapagod eh, sobrang nakakapagod! Kausap ko ‘yung sarili ko, Mars. Nakakabaliw! Hindi pala coma, [kundi] nakakabaliw,” kuwento niya kina Mars hosts Camille Prats at Suzi Abrera at sa kapwa niyang guest artist na si Hannah Precillas habang nagluluto sa 'Mars Masarap.'
Dahil tampok ang booming business ng actress-turned-entrepreneur na “Meat Kris,” ipinatikim niya ang kanyang specialty na Cilantro Calamansi Fish Fillet.
LOOK: Celebrities visit Kris Bernal’s food business
Nagkuwento na rin siya tungkol sa kanyang cooking skills, “Ngayon, nag-aaral pa lang kasi ako eh so hindi pa ako masyadong [nagluluto]. Nagluluto lang ako for myself.”
Puros healthy food raw ang kanyang hinahanda dahil sa kanyang napiling lifestyle.
Abangan ang Kapuso actress sa GMA Afternoon Prime soon!
MORE ON KRIS BERNAL:
LOOK: Sinon Loresca, excited na makatrabaho si Kris Bernal
LOOK: Kris Bernal, todo-todo na ang paghahanda para sa kanyang burger joint na #MEATKris