
Tag-init na at usong-uso na naman ang mga may summer fling.
Hindi ligtas si aktor na usap-usapan sa blind item ng Mars Mashadow dahil tila hindi niya nakilala ang kanyang ka-summer fling nang magkrus ang kanilang landas. Hala, nagka-amnesia si Kuya!
Nang ipakita ang mga litrato, nahulaan kaagad nina Mars Camille Prats, Suzi Abrera at Ayra Mariano ang aktor base sa clues.
Napatanong rin si Pars Jay Arcilla kung siya ba ang tinutukoy sa segment, “Ako [ba]?”
Inusisa ni Mars Camille kung sino ang kanyang naka-summer fling ngunit consistent ang StarStruck VI avenger sa kanilang ipinakitang pagsasalarawan.
“Hindi ko siya kilala or kung kilala ko man siya, hindi ko siya namukhaan. Mabait po ako,” patawang sagot ng charming actor sa talk show.
MORE ON MARS:
WATCH: Camille Prats, pinaglilihian si Jerald Napoles?
WATCH: Sino ang aktres na imbyerna na sa home network at gusto nang lumipat?
WATCH: ‘Encantadia’ actor Phytos Ramirez, chismoso raw?