
Na-miss niyo ba ang mga child stars noon ng Sarah…Ang Munting Prinsesa? Puwes, abangan ang kanilang nalalapit na reunion ngayong Abril!
Excited na inanunsiyo ng dating lead star na si Kapuso star Camille Prats na muling magkikita-kita ang cast ng 1995 family drama film pagkatapos ng halos dalawang dekada.
Nahanap nila ang isa’t isa sa tulong ng social media, “The girls that I’ve worked with during 'Sarah…Ang Munting Prinsesa,' meron kaming isang grupo nun, isang thread na nandun si Lavinia, Ermengarde, Lottie.”
“S.A.M.P. pips o Sarah Ang Munting Prinsesa pips” ang pangalan ng grupo nila online at instant ang kanilang ipinapadalang mensahe kaya naging madali para sa kanila ang mag-set up ng meeting.
Good news sa mga fans ang hatid ni Mars Camille, “I haven’t seen them since I was probably 10 years old. Nakaplano kami [at] parang marami namang nag-confirm so push na ‘yan. Exciting!”
Nakasama noon ng dating child star sa pelikula sina Angelica Panganiban, Jean Garcia, Angelica Pedersen, Rio Locsin, Paula Peralejo, Kathleen Go Quien, Ani Pearl Alonzo.
MORE ON CAMILLE PRATS:
WATCH: Camille Prats, balak sabihan ng ‘Pasisikatin kita’ si hunky actor!
WATCH: Camille Prats, pinaglilihian si Jerald Napoles?
WATCH: Camille Prats holds gender reveal party