What's on TV

WATCH: Alodia Gosiengfiao talks about helping Wil Dasovich survive cancer

By Felix Ilaya
Published March 7, 2018 5:43 PM PHT
Updated March 7, 2018 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Take a look at WiloDia's guest appearance on 'MARS' and learn how the couple braved cancer together.

Last Tuesday on Mars, binisita ng inspirational couple na sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao sina Mars Suzy Abrera at Mars Camille Prats. Nakipagkuwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang relationship at struggles na pinagdaanan noong na-diagnose ng stage 3 colon cancer si Wil.

Sa una ay nagpakilig sina Wil at Alodia nang basahin nina Mars Suzy and Camille ang love letters nila para sa isa't-isa. Sa love letter ni Alodia, nag-share siya ng kaniyang nararamdaman tungkol sa mga achievements at triumphs ni Wil.

Aniya, "Dear Mars, thank you sa pag imbita sa'min sa show niyo. Ito ang aking mahal na si Wil Dasovich, siya 'yung pinaka-wonderful na person na na-meet ko sa buong buhay ko. Sa simula pa lang, alam ko na kakaiba siya at special siya. Mahirap para sa'kin mag-express ng sarili ko through words pero ang masasabi ko ay siya talaga ang tanging tao sa mundong ito na nakapag-change sa'kin for the better. Super proud ako sa mga na-achieve niya at sa pag-overcome sa isa sa pinaka mahirap na challenge. Dear Wil, keep on inspiring dahil marami kang napapasaya na tao, at saka kasama ako. Nandito lang ako para suportahan ka. I love you, my starfish. Love, Alodia."

Sinulat naman ni Wil sa kaniyang love letter na si Alodia ang kaniyang first love.

"'Nung una kitang namasdan, nahanep at na-flabergasted ako sa kagandahan at napaka-cute mo and demure. Nung nag-usap tayo, parang love at first sight pag-usapan at alam na alam ko na gusto kita bilang kasintahan. As time went on and we spent more days together, malinaw na malinaw na inlababo na ako sa'yo. Ikaw 'yung unang babae sa buong buhay ko that I fell in love with and sana manatili tayong ganito magpakailanman. I love you so much," ani Wil.

Nang mapag-usapan naman nila ang karanasan ni Wil sa cancer, inamin ng Fil-Am YouTuber na malaki ang naging tulong ni Alodia sa kaniyang road to recovery.

"She's just like that ball of positivity. Palagi siyang masaya, palagi siyang smiling, never siyang negative and she's always there to help me. 'Nung nag-ki-chemo ako, when I'm feeling bad, she's there, she has my water, she has everything there for me. Syempre every two weeks bumabalik siya all the way from the Philippines for six months. Feeling ko parang 'pag nandiyan siya, I feel safe and secure and stuff. When she's gone, parang that's when I kind of worry a little."

Panoorin ang Mars highlight clip below to watch the full interview:

 

Pagkatapos ng kanilang interview session, nag-take rin ng compatibility test sina Wil at Alodia para malaman kung papaano sila ka-compatible through their handwriting.