
Simula nang pumasok si Cata Tibayan sa GMA noong 2011, marami nang napagdaanan ang Kapuso showbiz anchor.
Sa “Lightning Laglagan Round” ng Mars, inamin ni Cata kung sino sa mga artista na nakapanayam na niya ang pinakamataray.
Para kay Cata, ito ay walang iba kung hindi ang aktre na si Gretchen Barretto.
Tandang-tanda pa rin daw ng showbiz anchor ang nangyari nang ma-interview niya ang aktres.
Aniya, "Isa sa mga in-assign sa'kin talaga is to run after Gretchen and ask for her statement kasi 'nung time na iyon, I think nagkakagulo sila ni Claudine (Barretto).
"There was an event sa Cinemalaya, I waited until 11PM until pa-12 midnight, waiting for her kaunting reaction lang.
"Mataray na talaga siya sa mga press, sa mga media, at sa ambush interview. Ayaw talaga niya magbigay ng statement.
“So, [kinakalabit] ako ng ibang channel, 'Magtanong ka, magtanong ka.' So ako, 'O sige, kung ayaw mo magtanong, ako magtatanong.'
"So [sabi ko], 'Ma'am, sa lahat ng pinagdadaanan ng family, ano na lang po ang wish ninyo, ano na lang ang hinihiling n'yo kay Lord para magkaayos na kayo?'
"Oh my God, ang sinagot niya sa 'kin 'Bakit? Ikaw ba si Lord? Do I have to say my prayers to you,'" pagsalaysay ni Cata.
Pagkatapos daw ng insidenteng iyon, naging laman ng mga balita ang pagtataray sa kaniya ni Gretchen.
Gayunpaman, inintindi pa rin ni Cata ang sitwasyon ng aktres at kinapulutan pa ito ng aral.
Panoorin ang buong kuwento ni Cata sa “Lightning Laglagan Round” ng Mars.