
Hindi napigilan ng Kapuso leading lady na si Sanya Lopez na maging emosyonal nang alalahanin niya ang kaniyang yumaong ama sa Mars.
Ani Sanya, "Iba talaga 'pag may daddy [ka]. Since hindi ko siya nakasama, feeling ko isa siya sa mga taong tumulong sa'kin. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako ma-i-inspire na magtrabaho. Wala 'yung daddy ko 'eh so kami 'nung kapatid ko (Jak Roberto) 'yung nagsikap and 'yung mommy ko."
Panoorin ang kuwentuhan nina Suzi Abrera, Camille Prats, Sanya Lopez, at Teresita Ssen Marquez sa Mars.