What's on TV

#UsapangEx: Aaminin mo ba sa asawa mo na nakita mo ang ex mo sa isang party?

Published February 7, 2020 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOT, GCash eyeing partnership for easier transactions for tourists
Student found dead with 10 stab wounds in CDO
Farm To Table: Early Noche Buena kasama ang mga Tiktropa

Article Inside Page


Showbiz News



Sa latest episode ng 'Mars Pa More,' sasagutin ng mag-asawang sina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado ang tanong na may kaugnayan sa dating karelasyon.

Sa recent episode ng Mars Pa More, guests ang celebrity couple na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa. Sa "Mars Sharing Group" segment, binasa nila ang mga sikretong itinago ng ilang mga magulang.

Ang unang sikretong napag-usapan ay ang pagkuha ng pera sa ipon ng anak kapag kinukulang ang pera. Natatawang komento ni Camille, “Para kasing mas gawain ito ng mga nanay kesa mga tatay.”

Sa huli, nag-agree ang lahat na mas tamang ipaalam sa anak ang pagkuha ng pera dahil sa kanya ito, at para magsilbing magandang halimbawa na hindi dapat kumukuha ng mga bagay na pagmamay-ari ng iba.

Mas naging interesting ang diskusyon nang magapag-usapan naman ang hindi pag-amin ng isang mister na nakita niya ang kanyang ex sa isang reunion. Nalaman lamang ito ng kanyang misis nang makita niya ang naka-tag na photo nila sa Facebook, at magka-table pa sila.

Paliwanag ni Dingdong, “Sometimes, sa point of view ng guy, ayaw na kasi nila minsan ng mahabang discussion. Wala naman talaga 'yon pero siyempre from the girl's perspective, parang 'yung imagination nila nagra-run wild, eh. Iniisip nila kaagad nagkita lang kami sa isang lugar, parang sparks will fly na. It doesn't necessarily mean na (ganoon).”

Hindi naman nag-agree sina Camille, Iya, at Jessa dito.

Sabi ni Camille, “But, what if?! For some people, sparks will fly!”

Biro ni Jessa, “Hindi mo ba nakikita? Tatlo kami dito! Iisa ka lang.”

At idiniin naman ni Iya ang kanyang punto, aniya, “Ang problema hindi ka nga pinayagan pero gumorah ka pa rin.”

Panoorin ng buo ang nakakatawa nilang diskusyon sa episode na ito ng Mars Pa More: