
Very happy si Jak sa tuloy tuloy sa supporta ng fans sa Meant To Be. Sa isang exclusive interview with GMAnetwork.com, naikuwento ni Jak ang nararamdaman niya sa patuloy na supporta ng fans sa show.
Aniya, "Sobrang saya. Kasi bukod sa consistent na mataas ‘yung ratings namin. Sobrang init din ‘yung suporta ng tao sa amin sa mall shows. Hindi namin mapaliwanag. Very phenomenal ‘yung show, eh. Masaya kami sa reaction ng tao, sa supporta nila. At lalo kaming ginaganahan syempre."
Ika pa ni Jak, nakikinig sila sa gusto ng fans. Kaya naman nagbabasa rin sila ng tweets ng fans kapag may suggestions sila for the show.
Aniya, "Dahil sa kanila, sa mga tweets nila na nababasa namin, kumukuha kami syempre ng ideas sa mga gusto [ng mga fans] na mangyari sa show."
MORE ON MEANT TO BE:
Jak Roberto, may aaminin bilang si Andoy Dela Cruz sa 'Meant To Be'
Ano ang advice ni Jak Roberto sa torpeng character niya na si Andoy sa 'Meant To Be'?
Sino ang office boyfriend mo sa 'Meant To Be' boys?