
Wala raw sa isip ng lead actress ng programang Meant To Be ang ratings noong una nilang makita ang concept ng show. Ito raw ay dahil mas "bigatin" at "palakasan" ang dramas usually 'pag nasa primetime slot. Kaya laking gulat ng aktres nang malaman niyang mataas ang ratings ng show.
Aniya, "Actually 'yung sa amin, 'di naman talaga kami after sa rating noong umpisa. Kasi tanggap naman na namin na bago 'yung concept, so may risk talaga kaming isusugal, magsusugal talaga kami. So hindi kami after sa ratings.
"More kami sa ma-pull off namin 'yung story na may apat na magmamahal kay Billie nang hindi magmumukhang malandi si Billie. 'Yun 'yung first goal namin. Hanggang sobrang nakakatuwa na sobrang minahal ng tao si Billie and 'yung story, and 'yung journey ni Billie."
Abangan ang kilig finale at kung sino ang pipiliin ni Billie sa huli, ngayong June 23 na pagkatapos ng My Love From The Star.