What's on TV

Carla Abellana, kinikilabutan pa rin sa pagiging Aviona sa 'Mulawin VS Ravena'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 6, 2017 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi pa rin makapaniwala si Kapuso actress Carla Abellana na parte na siya ng inaabangang Mulawin VS Ravena ngayong taon.

Hindi pa rin makapaniwala si Kapuso actress Carla Abellana na parte na siya ng inaabangang Mulawin VS Ravena ngayong taon. Nang ianunsyo nga kamakailan ang cast ng iconic telefantasya, hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman dahil kabilang na siya sa ?programang ?dating napapanood niya lamang sa telebisyon.

EXCLUSIVE: Meet the official cast of 'Mulawin VS Ravena'

"Honestly, sobrang nakakakilabot from the time na una kong nakita si Dennis [Trillo] na suot na niya 'yung costume niya pati 'yung time na ako naman, isinuot ko 'yung costume ko. Alam mong napakalaking project kaya't kikilabutan ka kasi grateful ka," saad ni Carla.

Gagampanan ni Carla ang karakter ni Aviona na dating binigyang buhay ni Bianca King. Ngunit ayon sa kanya, ibang Aviona ang makikilala ng viewers sa sequel na ito. "Isa akong purong Mulawin, mother ni Bea Binene who will be playing the role of Anya," bahagi niya.

Dagdag pa niya, "Dito, makikita niyo na siya (Aviona) bilang isang ina tapos ang ipaglalaban na niya rito [ay] 'yung Avila at 'yung anak niya na isang Tabon (half-Mulawin, half-human). Gusto niyang bukas 'yung Avila sa lahat dahil 'yung anak niya ay half-blooded na ibon eh."

Kuwento pa ni Carla, matindi raw ang kanyang preparasyon para sa upcoming GMA Telebabad soap. Aniya, "Mahirap kasi nagpe-prepare ka physically, emotionally, lahat [ay] kumpleto. Physically, talagang nag-workout ako not necessarily to lose weight pero para mas lumakas 'yung katawan ko."

Sa huli, inaasahan ni Carla na muling mamahalin ng viewers si Aviona tulad ng ibinigay nilang suporta sa orihinal na karakter noong 2004.

MORE ON MULAWIN VS RAVENA:

WATCH: Heart Evangelista and Lovi Poe's harness training for 'Mulawin VS Ravena'

LOOK: Bianca Umali dressed as a Mulawin in 2007

WATCH: Ariel Rivera and Ms. Regine Velasquez-Alcasid, balik-tambalan matapos ang 12 years