
Kabilang sa cast ng orihinal na Mulawin si Zoren Legaspi na ipinalabas noong 2004. Ginampanan niya ang karakter ni Bagwis na isang taong ibon. Dahil masusundan na ang kuwento ng iconic telefantasya sa pagdating ng Mulawin VS Ravena, hindi maiwasan ng aktor na maalala ang sikat na Kapuso show.
PHOTO BY Raymond Ignacio, GMANetwork.com
"I'm very proud to be part of that show dahil isa 'yon sa talagang mga project ng GMA that started it all," saad ni Zoren.
Kuwento ni Zoren, malaki raw ang naging epekto ng Mulawin sa rival network ng GMA na ABS-CBN na pinamumunuan noon ni Charo Santos-Concio. "Even sa book (My Journey: The Story of an Unexpected Leader) ni Ma'am Charo, she admitted na the show Mulawin made her almost quit her job dahil hirap na hirap silang talunin 'yon," bahagi niya.
Natutuwa si Zoren na bagong generation na ang makakapanood ng inumpisahan nilang telefantasya na lagpas isang dekada na ang nakalipas. "Ito namang upcoming casting ng Mulawin VS Ravena, millennial na 'yan eh. Mga millennial na ang mga manonood d'yan." pahayag niya.
"I'm guessing na malaki ang ginastos d'yan and also knowing Direk Dominic [Zapata], hindi niya pababayaan 'yung show na 'yan," pagtatapos ni Zoren.
Abangan ang Mulawin VS Ravena, ngayong May 22 na pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON MULAWIN VS RAVENA:
Derrick Monasterio, in awe of seeing 'Mulawin VS Ravena' teaser
?Mulawin VS Ravena Teaser: Ang bagong maghahari sa himpapawid