What's on TV

'Mulawin VS Ravena' concept creator, writer, and director Don Michael Perez: "This is the perfect time [for a sequel]"

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 16, 2017 4:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Sa ginanap na press conference ng Mulawin VS Ravena  kagabi , May 15, ipinaliwanag ng concept creator, writer at isa sa mga direktor ng higanteng telefantasya ang dahilan kung bakit magkakaroon ng sequel ang iconic GMA show ngayong 2017.

Sa ginanap na press conference ng Mulawin VS Ravena kagabi, May 15, ipinaliwanag ng concept creator, writer at isa sa mga direktor ng higanteng telefantasya ang dahilan kung bakit magkakaroon ng sequel ang iconic GMA show ngayong 2017.

Muling inalala ni Direk Don Michael ang mga panahong hindi pa niya inasahang magiging hit ang orihinal na Mulawin. "Twelve years ago, when Direk Dominic [Zapata] and I were still starting out, he was already a director and I was a writer. While we were doing [Mulawin], alam namin na we're doing something important but we didn't think that it was gonna be this major," saad niya.

Dagdag pa niya, "So we worked on this project for about two years, 2004 lumabas 'yung unang Mulawin series, and then we did the movie noong 2005. Doon sa dalawang taon na 'yon, 'yon ang naging buhay namin."

Makalipas ang mahigit isang dekada, nararapat na raw na sundan ang istorya ng sikat na Kapuso telefantasya. "Twelve years later, GMA has assembled the best cast [and] production team, nag-advance na 'yung technology, nag-advance na 'yung paggawa ng TV shows. And I would say that this is the perfect time for Mulawin VS Ravena," paliwanag ni Direk Don Michael.

Sa kanyang speech, ikinuwento pa ng direktor na hindi raw nawala sa kanyang isip ang istorya ng telefantasya sa loob ng 12 years. Aniya, "During that time, kahit nagpapahinga 'yung Mulawin, hindi siya natulog in our heads. 'Yung characters hindi siya natulog. In fact, napapanaginipan ko siya nang madalas."

"Honestly this is a dream come true for me," pahayag ng concept creator ng Mulawin VS Ravena.

 

PHOTO BY MICHAEL PAUNLAGUI, GMANetwork.com

Abangan ang paghahari sa himpapawid ng Mulawin VS Ravena, ngayong May 22 na pagkatapos ng 24 Oras Oras sa GMA Telebabad.