
Kagabi, July 17, nagulat ang Kapuso viewers sa balitang papasok ang iconic character ni Glaiza de Castro na si Sang'gre Pirena sa Mulawin VS Ravena. Matapos itong ianunsyo ni GMA News anchor Mike Enriquez sa 24 Oras, nagbahagi rin mismo ang aktres ng isang teaser photo sa kanyang Instagram.
FIND OUT: Sino-sinong 'Encantadia' stars ang papasok sa 'Mulawin VS Ravena?'
"Avisala, Avila," saad ni Glaiza.
Dahil sikat na sikat ang Encantadia at marami ang nakapanood ng telefantasyang ito, hindi mapigilan ang excitement ng netizens sa pagkakasali ni Glaiza sa isa pang higanteng telefantasya na mapapanood sa GMA Telebabad gabi-gabi.
Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon.
Kanino papanig si Sang'gre Pirena, sa mga Mulawin o sa mga Ravena? Abangan ang kanyang pagdating sa susunod na episodes ng Mulawin VS Ravena!