
Isa sa most awaited scenes ng GMA Telebabad series na My Love From The Star ang kiss sa pagitan ng artistang si Steffi at ng alien na si Matteo.
Ayon sa mga lead stars ng serye na sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, umabot sila ng nine takes para maperpekto ang eksena.
Sa wakas, umere na ang kanilang kiss sa episode kagabi, June 13.
Dahil dito, umabot pa sa top spot ng trending topics ng Twitter Philippines ang official hashtag na #MLFTSCaughtOnCam.
#MLFTSCaughtOnCam trending at no.1 spot congrat's @MercadoJen @gilcuerva pic.twitter.com/Hw7YEIN0rQ
— limuel lopera (@LimuelLopera) June 13, 2017
Panoorin muli ang nakakakilig na kiss nina Matteo at Steffi. nina Matteo at Steffi.
Huwag din kalimutan tumutok sa My Love From The Star, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Mulawin VS Ravena sa GMA Telebabad.