
Hindi makapaniwala ang Kapuso actor na si Ken Chan na siya ang itinanghal na TV Actor of the Year para sa isang Daytime Drama sa 50th Box Office Entertainment Awards para sa kaniyang mahusay na pagganap bilang Boyet sa My Special Tatay.
Sa kaniyang Instagram post, nagpaabot ng pasasalamat si Ken sa award-giving body at lahat ng sumusuporta ng kanilang show.
"Hindi ko sukat akalain na dahil sa pagmamahal na binibigay niyo sa akin at sa aming lahat iginawad sa akin ng 50th Box Office Entertainment Awards ang TV Actor of the Year (Daytime Drama) at sa My Special Tatay naman ang Popular TV Program (Daytime Drama).
"Maraming-maraming salamat sa pagkilala sa aming programa at inaalay namin ito sa inyong lahat. Panginoon alam kong ikaw ang dahilan ng lahat nang ito," ani Ken.
Ginawaran naman ang My Special Tatay na Popular TV Program sa Daytime Drama category.
Congratulations, Ken Chan and the My Special Tatay team!