What's on TV

Cherie Gil, pangarap masabuyan ng tubig si Nora Aunor

By Jansen Ramos
Published May 30, 2018 12:26 PM PHT
Updated July 20, 2018 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Naniniwala ang premyadong aktres na maisasakatuparan na niya ang kanyang pangarap ngayong reunited sila ni Superstar Nora Aunor para sa upcoming primetime series na 'Onanay.'

Naniniwala si Cherie Gil na maisasakatuparan na niya ang kanyang pangarap na masabuyan ng tubig si Superstar Nora Aunor ngayong reunited sila para sa upcoming primetime series na Onanay.

WATCH: Nora Aunor at Cherie Gil, sumalang na sa kanilang unang eksena sa 'Onanay'

 

Got that BIG smile on ! ??#extraordinarylove #GMA

A post shared by Cherie Gil (@macherieamour) on

 

Parte ito ng misyon ng dating Sirkus star na muling isabuhay ang sikat niyang "copycat" scene mula sa iconic 1985 film na Bituing Walang Ningning.

 

This is too funny I had to post it here too ! Check out @the_real_lavinia_arguelles for more. @yescppicache #ilaviniaarguellesmoako

A post shared by Cherie Gil (@macherieamour) on

 

Kuwento ni Cherie sa pictorial ng Onanay, "Dream ko si Ate Guy. I actually asked her during ASEAN [International Film Festival and Awards] when we were together. Um-oo na siya sa'kin pero hindi pa namin ma-timing-timing kasi after the event, we went out. I haven't yet had the guts to ask her to do it."

Naniniwala ang premyadong aktres na malaki ang tsansa na maganap ito sa set ng bagong serye dahil convenient.

"Maybe we'll have more time in between [takes]. At least may mga make-up artist na mag-reretouch, pwede [magpatuyo ng damit], pwedeng mag-change costume."

Nagbiro pa si Cherie na dapat daw ay 99th spot ang Superstar kaya uunahin na niyang biktimahin ang mga Eigenmanns pati na rin ang staff at crew ng Onanay.

"I'm gonna save on my Instagram dapat [pang] 99 siya. So, tatapusin ko muna 'yung Eigenmanns para makarating ako sa 99 agad. Pati na rin 'yung crew, 'yung staff para matapos na." Saad niya.