
Naiyak at naantig ang mga Kapuso fans dahil sa One of the Baes tandem nina Edgar Allan Guzman at Ken Chan.
Sa January 8 episode ng One of the Baes, naging madamdamin ang eksena ng mabaril si Steve Altamirano (Jestoni Alarcon), and ang ama nina Charles (Edgar Allan Guzman) at Grant.
Ipinamalas nina EA at Ken ang galing nila sa drama at ang kanilan onscreen chemistry bilang magkapatid sa isang hospital scene.
Nagbahagi si EA ng saloobin sa kaniyang Instagram stories tungkol sa eksena at nagpasalamat sa mga manonood.
Hinangaan naman ito ng mga fans, na nadala na rin sa emosyon ng eksena.
Patuloy na panoorin ang One of the Baes, tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.
'One of the Baes' breaks its ratings record anew