
Isang mahalagang araw sa buhay ng One of the Baes cast member na si Buboy Villar ang ibinahagi niya sa kaniyang YouTube channel.
Sa recent vlog ng aktor, ipinakita niya ang binyag ng kanyang pangalawang anak na si George kasama ang kanyang partner na si Angillyn Serrano Gorens at panganay nilang anak na si Blanche.
Kasama rin sa okasyon ang ilan sa kanyang co-stars sa show na sina Ken Chan, Jelai Andres, Kenneth Medrano, at Jestoni Alarcon.
Kuwento ni Buboy sa kaniyang vlog, “Napaka-ispesyal ng araw na ito para sa 'kin. Kasi ngayong araw, bibinyagan na ang pangalawa kong anak na lalaki. Dalawa na po ang anak ko.
"Bata man ako, masaya ako na batang ama ako.”
Saad ni Buboy, naging mas matatag siya matapos maging isang ama.
“Maraming pagsubok sa buhay na akala ko hindi ko kaya pero nakayanan ko. Basta nandiyan ang Panginoon sa buhay mo. Gagawin mo ang lahat para sa pamilya mo.”
Panoorin ang binyagan kasama ang cast ng One of the Baes: