
Matapos ang pagkasawi ni Charles (Edgar Allan Guzman), ipagpapatuloy ni Alona (Melanie Marquez) ang paghihiganti sa mga Altamirano. Mapupurnada ang kasal nina Paps (Roderick Paulate) at Carmina (Maureen Larrazabal) dahil sa pag-eksena ni Alona.
Maghaharap sina Jo (Amy Austria) at Alona sa kalagitnaan ng kasal nina Carmina at Paps. Ibubulgar naman ni Grant (Ken Chan) ang balak ni Alona na magpasabog ng bomba sa kasal.
Matapos mailayo ni Grant si Alona sa kanyang pamilya, matutuloy na rin sa wakas ang kasal nina Paps at Carmina at magiging tahimik na rin ang pagsasama nina Jo at Francis.
Sa hinaba-haba ng kanilang paglalayag, mauwi na rin kaya sa happy ending ang pag-iibigan nina Jowa (Rita Daniela) at Grant?
Balikan ang finale episode ng One of the Baes: