Tila may hangover pa rin at hindi maka-move on sina Valeen Montenegro at Carla Abellana sa kanilang pagsali sa Kapuso weekly game show na People vs. The Stars.
Mamayang gabi ay ipapalabas na ang episode kung saan nakigulo ang mga bida mula sa Bubble Gang. Hindi naman napigilan ni Valeen na mag-react.
Komento niya sa post ni Iya Villania, “#HINDIPARINMAKAMOVEON.”
Ganito rin daw ang naramdaman ng dati nang naglaro sa programa na si Carla.
Aniya, “@valeentawak isang malaking kalokohan ‘di ba? Nakaka-bobo!”
“@carlaangeline omygosh Carlaaaa!!! I cannot!!!! Kalokohan,” pagsang-ayon ni Valeen.
Ano nga ba ang tanong na nagpahirap kay Valeen kaya hindi siya maka-move on? Panoorin siya kasama sina Chariz Solomon at Betong Sumaya mamaya sa People vs. The Stars!
MORE ON PEOPLE VS. THE STARS:
WATCH: Glaiza de Castro, Sanya Lopez, at Ruru Madrid, nalito sa edad nina Tito, Vic and Joey
LOOK: Jak Roberto at Addy Raj, nagpasilip ng "pandesal" sa People VS The Stars