What's on TV

TRENDING: TV remake ng 'Pinulot Ka Lang sa Lupa,' sinubaybayan ng mga viewers

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 3, 2020 4:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang naging reaksyon ng lead stars na sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves?  

Kasabay ng 65th Miss Universe competition, naging hot topic rin ang Kapuso remake ng Pinulot Ka Lang sa Lupa nang umere ang pilot episode nito sa GMA Afternoon Prime kaninang hapon (January 30) ng 4:15 p.m.
 
READ: GMA Network’s TV adaptation of ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’ premieres on January 30


 
Nagpasalamat ang lead stars ng serye na sina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose at Kapuso hunk Benjamin Alves sa pagsubaybay ng kanilang pinakaunang drama bilang magka-love team sa telebisyon.

READ: Julie Anne San Jose, LJ Reyes at Benjamin Alves, hindi pressured sa remake ng ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’

Maging ang director ng show na si Gina Alajar ay naglahad rin ng kanyang damdamin sa social media.

 

Finally!!! Today is the day that the Lord has made for Pinulot Ka Lang Sa Lupa!!! Starring Ms Jean Garcia, Ms Ara Mina, Mr Victor Neri, Mr Allan Paule.. with GMA's young drama actors LJ Reyes, Martin del Rosario, Benjamin Alves and Julie Anne San Jose... samahan nyo po kami araw-araw 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime! I will rejoice in the Lord! I will be joyful in the God of my salvation! The Sovereign Lord is my strength! He makes me as surefooted as a deer, able to tread upon the heights. Habakuk 3:19

A photo posted by Gina Alajar (@ginalajar) on

Kanina sa pilot episode, nagkakilala ang mga batang Santina at Ephraim sa kalsada nang iligtas ng binata ang dalaga mula sa nang-aapi sa kanya.
 
Samantala, nauwi naman sa trahediya ang pamilya nina Diony (Jean Garcia) at Cesar Esquivel (Victor Neri) kung saan namatay ang kanilang anak na babae dahil sa sunog na nanganib ng kanilang mga buhay.
 
Nangako ang leading lady na si Julie Anne na marami pang kailangan abangan kaya tutok lang sa Pinulot Ka Lang sa Lupa mula Lunes hanggang Biyernes ng 4:15 p.m.
 

MORE ON PINULOT KA LANG SA LUPA:
 
IN PHOTOS: Ang cast ng ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’
 
IN PHOTOS: Press conference ng ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’