What's on TV

EXCLUSIVE: Jean Garcia, may payo kay Benjamin Alves pagdating sa love life

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 7, 2017 4:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE UPDATES: Conflict in the Middle East (April 23, 2026)
Mga magsasakang apektado ng init at mahal na petrolyo, binigyan ng GMAKF ng food packs | 24 Oras
Man found dead with stab, gunshot wounds in Dumangas, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News



Bilang dating host ng Love Hotline, tanging payo ni Jean sa character ni Benjamin ay “maging matatag siya at maging totoo siya sa puso niya” pagdating sa love life nito.

Namuo ang isang love triangle sa kuwento ng Pinulot Ka Lang sa Lupa dahil sa dalawang babae na nagmamahal kay Ephraim na ginagampanan ni Kapuso hunk Benjamin Alves.

Nagmamahalan sina Ephraim at Santina, ang role ni Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose sa GMA Afternoon Prime soap ngunit tutol si Kapuso actress LJ Reyes bilang si Angeli sa kanilang pag-iibigan.

MUST-SEE: Sabunutan nina Julie Anne San Jose at LJ Reyes sa ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa,’ tinutukan! 

Parehong inampon ni Diony Esquivel o ni Kapuso star Jean Garcia sina Angeli at Santina kaya talagang nahahati siya sa dalawa.

 

 

Mahirap ang problemang dinadaanan ngayon ni Ephraim at bilang ina ng binata ay wala raw siyang magawa, “Ayun ang problema, hindi ko na alam. Siyempre, hindi ko naman pwedeng turuan ang puso ng anak ko.”

Si Ephraim na raw ang may kontrol noon, “Siyempre, kung na-in love man sa kanya ang dalawang babae, siya ang masusunod kung sino ang pipiliin niya.”

Bilang dating host ng Love Hotline, tanging payo ni Jean sa character ni Benjamin ay “maging matatag siya at maging totoo siya sa puso niya” pagdating sa love life nito.

Hindi raw puwede na dalawang tao ang nag-aagawan sa kanyang puso kaya saad ng beteranang aktres sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com ay “kung sino talaga ang tinitibok ng puso niya, ‘yun dapat ang taong piliin niya.”

MORE ON 'PINULOT KA LANG SA LUPA':

WATCH: Julie Anne San Jose, nahuli si Benjamin Alves? 

Behind the scenes: Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, sexy sa ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa!’ 

IN PHOTOS: Julie Anne San Jose at LJ Reyes, nagpatalbugan sa kaseksihan!