
Record-breaking ang ratings ng nangungunang afternoon drama sa Pilipinas na Prima Donnas kahapon, January 8.
Ayon sa NIELSEN PHILS. TAM (ARIANNA) NUTAM PEOPLE RATINGS, nagtala ang Prima Donnas ng 10.1%, mas mataas kumpara sa 6.8% na naitala ng katapat nilang programa.
Bago ang episode kahapon, ang pinakamataas na ratings ng Prima Donnas ay noong December 3 kung saan nagtala ito ng 9.9%.
Kapana-panabik kasi istorya noong January 8, dahil dito na sinabi nina Lady Prima (Chanda Romero) at Jaime (Wendell Ramos) ang resulta ng DNA tests nina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn.
Huwag palampasin ang mas lalong gumagandang Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaagaw.