
Hindi nagpahuli ang seasoned actress na si Aiko Melendez sa paggawa ng videos sa TikTok at sinama niya pa ang co-star niya sa Prima Donnas na si Che Ramos-Cosio.
Ginagampanan ni Che ang karakter ni Darcy, ang alalay ni Kendra na siya namang ginagampanan ni Aiko.
“Tiktok with mareng Darcy @chebureche0430 #sweetlang,” sulat ni Aiko sa caption sa kanyang Instagram post.
“Team Kendra beat this.”
Napa-comment tuloy ang anak ni Aiko na si Marthena Jickain at sina Elijah Alejo, at Chanda Romero sa TikTok niya.
Nag-upload ulit ng isa pang TikTok video si Aiko noong Sunday, February 23, kung saan napa-wow ang isa niya pang co-star sa Prima Donnas na si Althea Ablan.
“Sunday good vibes,” sulat ni Aiko.
WATCH: Aiko Melendez, nakipagsabayan sa TikTok kay 'Prima Donnas' star Althea Ablan