What's on TV

WATCH: Pasilip sa tinatayong full-scale kampong na magiging set ng 'Sahaya'

By Michelle Caligan
Published February 28, 2019 10:08 AM PHT
Updated March 11, 2019 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



Ipakikita ang tradisyunal na bahay ng mga Badjaw sa set ng upcoming primetime series na Sahaya na itinatayo na sa labas ng Metro Manila.

Kasalukuyang tinatayo ang isang full-scale kampong, o lupon ng mga bahay ng mga Badjaw sa ibabaw ng tubig, sa isang lugar sa labas ng Metro Manila.

Set ng Sahaya
Set ng Sahaya

Ito ay magsisilbing set ng upcoming primetime series na Sahaya, na pagbibidahan nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Migo Adecer.

EXCLUSIVE: Migo Adecer, handa na bang maging ka-love triangle ng BiGuel sa 'Sahaya?'

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, nasa sampung talampakan ang taas sa tubig ng mga bahay na gawa sa environment friendly materials.

"Ang tahanan po kasi talaga ng mga Badjaw, nakaangat po talaga sila sa tubig.

“As much as possible we would like to stick to the traditional way o 'yung itsura po talaga na tradisyunal," kuwento ni Bianca.

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on


Nasa 20 katao ang nagtatrabaho para buoin ang set, at pumunta pa sa Tawi-Tawi ang production team ng programa para pag-aralan ang kultura at pamumuhay ng mga Badjaw.

Ang cast naman, nagkaroon ng freediving lessons at traditional dance workshops bilang kanilang paghahanda.

WATCH: Cast ng 'Sahaya,' sumailalim sa isang Badjaw dance workshop

WATCH: Bianca Umali and Miguel Tanfelix take up freediving lessons for 'Sahaya'

Narito ang buong report: