
Balik-tambalan ang BiGuel love team na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa upcoming epic-dramaserye ng Kapuso network, ang Sahaya.
Si Bianca ang gaganap sa title role na Sahaya, isang pinagpalang dalaga mula sa lahi ng mga Badjaw. May special connection siya sa dagat kaya malapit siya sa mga isda at iba pang aquatic animals.
WATCH: Sahaya: Pinagpalang Badjaw | Teaser
Si Miguel naman si Ahmad, ang kababata ni Sahaya na may lihim na pagtingin sa kanya. Guguho ang kanyang mga pangarap nang mawalay sa kanilang kampong o community si Sahaya, kaya gagawin niya ang lahat para muling makita ang dalaga.
Abangan ang Sahaya, ngayong Marso na sa GMA Telebabad.