What's on TV

EXCLUSIVE: Bianca Umali at Miguel Tanfelix, taos-puso ang pasasalamat sa mga tumututok sa 'Sahaya'

By Aedrianne Acar
Published May 4, 2019 10:24 AM PHT
Updated May 4, 2019 11:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Ramdam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang mainit na pagmamahal ng mga manonood sa hit primetime soap na 'Sahaya.'

Ramdam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang mainit na pagmamahal ng mga manonood sa hit primetime soap na Sahaya.

Bianca Umali at Miguel Tanfelix
Bianca Umali at Miguel Tanfelix

Inaabangan na rin ng fans ng BiGuel ang muling pagkikita ng karakter nila na sina Sahaya (Bianca) at Ahmad (Miguel) sa groundbreaking TV show.

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com sa dalawa sa taping ng movie na Family History, ipinaabot ng BiGuel ang taos-puso nilang pasasalamat dahil sa mataas na ratings na nakakamit ng kanilang show.

Ani Bianca, “We are very happy from the start naman, of course, one of our goals was to rate high, but it wasn't our main goal.”

“Yung main goal namin is just to send a message to the people and thankfully successful kami doon and we are happy na minamahal kami ng mga tao.”

Para naman kay Miguel, nagsisilbing inspirasyon ang natatanggap nilang TV ratings kaya't mas ganado raw ang buong team na pagandahin pa ang bawat eksena sa Sahaya.

“Lalo kaming ginaganahan na magbigay ng kaabang-abang na story and mga eksena para sa viewers.”

Nangako rin si Bianca na marami pang dapat abangan sa kanilang soap sa mga susunod na episode.

“Sobrang dami pang mangyayari and again, 'yung paghihirap namin, sobrang sarap sa puso na nagpe-pay off lahat.”

Huwag bibitaw sa kuwento ng pagsubok at pag-ibig sa Sahaya gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Kara Mia.