
Mas masaya at mas makulit na bagong episodes ang mapapanood simula ngayong July 18 sa Sarap, 'Di Ba?
Ngayong Sabado, magsisimula na ang Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition kung saan mapapanood natin ang hosts na sina Carmina Villarroel, Mavy and Cassy Legaspi sa kanilang tahanan. Makakasama rin nila si "Tatay Z" Zoren Legaspi bilang kanilang direktor at co-host sa new episodes na ito!
May side trip pa tayo ngayong Sabado! Ipapasyal tayo ni Christian Bautista sa kanilang tahanan ni Kat Ramnani.
Sama na sa Legaspi family sa kanilang Saturday morning bonding sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition simula July 18, 10:45 a.m.