May ilang mga sitwasyon kung saan pinipili nating magbingi-bingihan, bulag-bulagan, at magpakapipi na lamang. Hindi nakaligtas sa ganitong sitwasyon ang dalawang Kapuso stars na sina Mikael Daez at Janine Gutierrez.
Sa kanilang pagbisita sa Sarap Diva, ang mga sitwasyon na ito ay kanilang ibinahagi kay Regine Velasquez-Alcasid. Para kay Janine, ang pagkapipi ay nangyayari kapag galit na galit na. Si Mikael naman ay ibinahagi ang paraan magbulag-bulagan kapag nakita ang ex.
May pinagdaanan ring challenge ang dalawang Legally Blind stars. Ito ay ang pag-acting nila bilang bingi at pipi kasama sina Boobay at Luri.
Ang Sabado na ito ay nagsilbing pahinga para kay Regine sa pagluluto. Ito ay dahil ipinatikim ni Mikael ang kanyang version ng sikat na Asian dish na Laksa.
Sabayan nating muli ang masayang umaga ni Regine sa susunod na Sabado, March 18.
MORE ON 'SARAP DIVA':
WATCH: Sino ang nagwagi sa beauty contest na sinalihan nina Terry Gian and Sinon Loresca?
WATCH: Regine Velasquez-Alcasid, hindi makakanta sa 'Sarap Diva'